Na-promote na bilang Court Administrator si Deputy Court Administrator Raul Villanueva kasunod ng sesyon ng Korte Suprema nitong Marso 1.

Si Villanueva ay hinirang na Officer-in-Charge noong Nobyembre noong nakaraang taon nang italaga si Jose Midas Marquez bilang associate justice.

Nagsilbi rin siya noon bilang Senior Deputy Court Administrator para sa Luzon.

Nakakuha rin si Villanueva ng Economics degree mula sa UP at nagtuturo sa UP Law Center at New Era College of Law.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Samantala, binati ng University of the Philippines (UP) Alpha Phi Beta Fraternity si Villanueva, na sinabing kumilos siya bilang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga huwes at tauhan ng hukuman sa paglilitis sa kanyang 19 na taon sa hudikatura.

"The Fraternity salutes Court Administrator Raul Villanueva for taking on the challenge of supervising all the judges, courts and personnel in the entire country," post ng grupo sa Facebook.

Ang Office of the Court Administrator ay nilikha noong 1975 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 828 upang tulungan ang Korte sa paggamit ng kanyang kapangyarihan ng pangangasiwa ng administratibo sa lahat ng mga korte.

Ang Court Administrator ay dapat italaga ng Punong Mahistrado at may ranggo, mga pribilehiyo, at kabayaran bilang namumunong mahistrado ng Court of Appeals (CA), habang ang mga deputy court administrator ay katumbas ng mga kasamang mahistrado ng CA.