Simula sa Marso 2, ibabalik na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 100 percent audience capacity matapos ang dalawang taon na pagsuspindi nito dulot na rin ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinaliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial, kaagad nilang inilabas ang desisyon matapos isailalimng gobyerno sa COVID-19 Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 pang lugar sa bansa simula sa Miyerkules, Marso 1.

Gayunman, inihayag ni Marcial na ipaiiralpa rin nila ang health protocols para sa live audience kung saan at kinakailangan nilang iharap ang kanilang vaccination card bilang patunay na bakunado na sila laban sa COVID-19 at isang valid ID.

Sa Miyerkules, magtutuos ang NorthPort at Blackwater sa unang laban dakong 4:00 ng hapon at susundan ito ng bakbakan sa pagitan ng Magnolia at Meralco.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa nakaraang Alert Level 2, pinapayagan lamang ng PBA ang 50 percent audience capacity sa loob ng Smart-Araneta Coliseum at Ynares Center sa Antipolo.

Sa laban ng Ginebra at Terrafirma nitong Linggo, Pebrero 27, aabot sa 3,561 ang nanood na fans sa Ynares Center at inaasahang madadagdagan pa ito dahil na rin sa nasabing kautusan ng PBA.