May kabuuang 63 milyong indibidwal sa Pilipinas ang ganap na bakunado na laban sa sakit na coronavirus (COVID-19), ngunit 10 milyong indibidwal pa lamang ang nakatanggap ng kanilang booster jab, sabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa noong Martes, Marso 1.

Sa isang panayam ng ANC, binigyang-diin ni Herbosa ang kahalagahan ng booster jab sa kabila ng pagiging "ganap na bakunado" laban sa sakit.

“The idea of the booster is to just increase your immunity. You already have immunity. Let me make that clear: if you are fully vaccinated, your immunity does not disappear but your antibodies actually wane. That’s why the booster shot stimulates your immune system to produce more antibodies against COVID-19,” ani Herbosa.

Idinagdag din niya na habang pinasisigla nito ang immune system sa paggawa ng mas maraming antibodies, talagang nagbibigay ito ng "karagdagang proteksyon" laban sa sakit at mga umuusbong na variant nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, ibinunyag ni Herbosa na ang booster inoculation ay isa sa mga "mabagal na bahagi" ng programa ng pagbabakuna sa bansa.

“Kailangan magpa-booster ha. If you have been fully vaccinated, you should get boosted [as well]. This is another slow part of our vaccination program. We’ve vaccinated 63 million but only 10 million have come forward to get their booster shots. Reminder to the public na hindi enough ang two doses, kailangan kumuha rin tayo ng third dose,” dagdag niya.

Ipinakita ng National COVID-19 Vaccination Dashboard ng Department of Health (DOH) na noong Peb. 21, may kabuuang 63,188,209 na indibidwal sa bansa na ang ganap na bakunado laban sa sakit. Samantala, 10,137,607 lamang sa mga ito ang nakatanggap ng kanilang booster jab.

Charlie Mae F. Abarca.