Nakiisa ang Miss Supranational organization sa pagkundena sa patuloy na opensiba ng Russia laban sa Ukraine.
Sa isang pahayag nitong Martes, Marso 1, nanindigan ang organisasyon para sa kalayaan at kapayapaan ng ilang rehiyon sa ilang panig sa mundo.
“Ukraine has been a very special part of the Supra Family since the beginning of our competition in 2009 when Oksana Moria won the very first title in Poland,” sabi ni Miss Supranational President and CEO Gerhard Parzutka Von Lipinski.
Para sa organisasyon, ang pagkakaisa ng European Union at ilang bansa ay siyang tunay na adbokasiya at legasiyang “supranationalism.”
“Today, we are joining the EU, countries around the world, sports federations, cultural events and the people around the world who choose to stand up for freedom and unity,” dagdag ng pahayag.
Dahil dito, hindi tatanggap ng delegada mula Russia ang naturang pageant ngayong taon.
“We will not accept a contestant from Russia as we cannot condone the actions of the Kremlin,” giit ng pahayag.
Ang Miss Supranational ay kahanay ng Big 5 beauty pageants kabilang ang Miss Universe, Miss World, Miss Earth at Miss International.