Inanyayahan ngmaimpluwensyangCatholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katoliko na makiisa sa panawagan ni Pope Francis na mag-fasting at manalangin upang matapos na ang kaguluhan at magkaroon na ng kapayapaan sa Ukraine, sa pagdaraos ng Ash Wednesday, bukas, Marso 2.

Panawagan ni CBCP president Bishop Pablo Virgilio David sa mga mananampalataya na ialay ang kanilang Ash Wednesday fast para ipanalangin ang pagkakaroon ng kapayapaan.

“The Lord Himself taught us that there is no other way to combat the enticements of the devil especially among those who are obsessed with power, wealth and fame, other than prayer, fasting and acts of charity,” ani David, sa isang pahayag.

“We also invoke the intercession of the Blessed Mother as we pray that the Lord move the consciences of the Russian people so that they themselves will be able to do the necessary steps in order to pressure their government to stop the war it has started,” dagdag pa niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Una nang nanawagan sa mga mamamayan si Pope Francis, na labis na nasasaktan dahil sa kaguluhan, na mag-fasting at manalangin para sa kapayapaan ngayong simula na ng panahon ng Kuwaresma, bunsod na rin ng nagaganap na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Labis rin namang ikinalungkot ng CBCP ang naturang giyera at nagpahayag nang pakikiisa sa mga mamamayan ng Ukraine na humihingi ng panalangin.

“Nobody is happy about war except those in the arms industries who make huge profits and stand to benefit from the disputes among nations,” ayon kay David.