Pinagkalooban ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga vaccination sites na inilagay sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) nitong Marso 1, 2022, ang unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lungsod at lalawigan sa bansa.

Sa ipinaskil na kalatas ng LRTA sa kanilang Facebook page nitong Martes, sinabi nito na ang naturang free rides ay bilang bahagi nang pagsusumikap ng Department of Transportation (DOTR) na isulong ang pagkakaroon ng libreng public transport system sa bansa at bilang suporta sa COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan.

“This free ride program aims to encourage more commuters to get vaccinated and boosted. We need to step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” pahayag pa ng pamunuan ng LRTA.

Nabatid na ang naturang pass, na balido sa one-day unlimited use, ay kaagad na ibibigay sa pasahero matapos siyang maturukan ng bakuna.

National

Unang oil price hike sa 2025, maaaring sumipa sa susunod na linggo

Ang naturang pass ay dapat na ipakita ng pasahero, kasama ang kanyang valid ID, sa security o station personnel sa pagpasok niya sa AFCS gates, upang mai-avail ang libreng sakay.

Matatandaang una nang naglagay ng mga vaccination sites ang LRTA sa Claro M. Recto at Antipolo stations ng LRT-2.

Ayon sa LRTA, dahil naging matagumpay ang partnership nila sa City Governments ng Maynila at Antipolo, plano nilang mag-roll-out pa ng karagdagang vaccination site sa LRT-2 Araneta Center-Cubao station sa Marso 7, 2022, sa pagkikipagtuwang naman sa Quezon City Government.

Ang vaccination site sa Cubao ay magbubukas tuwing Lunes mula 8:00AM hanggang 4:00 PM at magkakaloob ng 1st dose at booster shots sa mga pasahero.

Ang Recto Station vaccine site ay bukas naman tuwing Martes at Huwebes mula 8:00AM hanggang 5:00 PM habang ang Antipolo Station vaccine site naman ay bukas tuwing Miyerkules at Biyernes, mula 8:30AM hanggang 4:00PM.

“Due to the experienced increasing number of would-be vaccinees patronizing Line 2 sites, the City Governments of Manila, Antipolo, and Quezon are willing and ready to increase the initial target of 200 vaccinees per day per vaccination site for so long as it is necessary,” dagdag pa ng LRTA.

“DOTr and LRTA is grateful for the support and cooperation of the local government partners as they shared the same goal of bringing the COVID-19 vaccines readily available, accessible, and closer to the riding public,” anito pa.

Ang LRT-2, na isang 17.69 kilometer rail line, ay bumabaybay mula Recto hanggang sa Antipolo, at dumaraan sa mga lungsod ng Maynila, San Juan, Quezon, Pasig, Marikina at Antipolo.