Hindi pa rin sigurado si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung dadalo siya sa presidential debate na pangungunahan ng Commission on Elections (Comelec) sa huling bahagi ng Marso.

Sa isang ambush interview sa isang campaign event nitong Martes ng gabi, Marso 1 sa Pasay City, personal na sinagot ni Marcos Jr. sa unang pagkakataon ang mga tanong sa isyu ng mga debate.

Karaniwan, ang kanyang tagapagsalitang abogado na si Vic Rodriguez ang tumutugon sa mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa potensyal na partisipasyon ng dating senador sa mga debate o panayam.

“I don’t know. I’m still looking at the format [of the debate],” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

May 18 araw pa bago ang debate sa Comelec, na nakatakda sa Marso 19.

Noong Lunes, sinabi ng poll body na magbibigay ito ng pangkalahatang paksa sa lahat ng mga presidentiables para sa kapakanan ng pagiging patas.

Ito ay matapos sumulat ng liham sa Comelec ang campaign manager ni Marcos Jr. na si Benhur Abalos at humingi ng impormasyon sa format ng debate gayundin sa mga isyu na tatalakayin.

“That’s basically the same as the others,” tugon ni Marcos Jr. sa hakbang ng Comelec.

Matatandaang ilang presidential interviews at debate ang tinanggihan ng presidential aspirant dahil sa sari-saring dahilan kabilang ang diumano'y bias ng host ng event. 

Hindi rin niya nais dumalo sa mga debate na mag-aaway lang mga presidential candidate.

Joseph Pedrajas