Nagulat ang judges sa paglabas ni Grace Franklin, apo ni Aretha Franklin, sa American Idol kamakailan. Nagkaroon pa ng diskusyon ang panel sa kahandaan ng 15 taong-gulang na aspiring singer para sa kompetisyon.

Kinanta ni Grace ang sikat na piyesang “Killing Me Softly” kung saan napansin ng mga judges na tila “subdued and sleepy” ang atake nito sa kanta.

Screengrab mula American Idol via Facebook

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“It was soft,” dagdag pa ni Katy Perry.

Dahil dito, muling hiningan ng piyesa ni Katy si Grace kung saan pinili nitong kantahin ang isang Aretha Franklin classic, ang kantang “Ain’t No Way.”

“You’re runs are really great. You’re very controlled,” pagsisimulang komento ni Luke Bryan. Nais niya lang makita kay Grace na kaya nitong mandohan ang kanyang boses at makita kalaunan sa buong performance. Makikita ring kabado si Grace na nakapikit sa buong perfomance.

Screengrab mula American Idol via Facebook

Sunod na nagkomento ni Lionel Richie na malapit sa pamilya Franklin. Bilang Uncle Richie, dito sinabi ng judge na kailangan pa ni Grace ng oras at dagdag na pagsasananay para makapasok sa pamantayan. Hindi lingid sa lahat ng masugid na tagasubaybay na parating mahigpit ang bakbakan sa American Idol bawat taon.

Screengrab mula American Idol via Facebook

Agad na bumoto ng 'No' si Luke. Samantala, nakita ni Katy ang ningning kay Grace kaya't isang 'Yes' naman ang natanggap nito sa pop star.

“I think the best thing for you in life is to take a shot by going backwards,” komento ni Lionel bago pa magbigay ng kantang boto na kinontra agad ni Katy.

“Listen. She’s got stardust. Give her a shot. Give her a chance. I’m sure Aretha wasn’t Aretha when she walked into the room but somebody said ‘Yes,’” bulalas ni Katy na sunod na nag-walkout matapos madismaya sa komento ni Lionel.

Ang yumaong si Aretha ay kilala bilang isa sa mga legendary icon ng music industry sa buong mundo.

“It’s gonna be a 'No' for me this time, but I’m optimistic, come back and see us,” ani Lionel kay Grace na binigyan pa niya ng isang mahigpit na yakap.

Nagsimula na ang 20th season ng reality singing competition noong Pebrero 27. Mapapanuod ang programa bawat Linggo, sa ABC.