Usap-usapan ngayon ang mga kaliwa't kanan na political surveys dahil malapit na ang eleksyon. 

Marami rin tuloy ang "curious" kung sino ang nasa likod ng mga sikat na polling firms sa bansa katulad ng OCTA Research, Pulse Asia, SWS, at Publicus Asia, Inc.

OCTA Research Group

Photo courtesy: OCTA Research (Facebook)

Ang OCTA Research ay isang polling, research, at consulting firm. Binubuo ito ng mga researchers na nag-aaral tungkol sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga contributors ng grupo ay may background sa mathematics, microbiology at infectious diseases.

Pinangungunahan ito ng presidente na si Ranjit Singh Rye, Political Science professor sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang iba pang bumubuo ng OCTA Research ay sina:Dr. Guido David, professor sa UP Institute of Mathematics; Rev. Fr. Nicanor Austriaco, molecular biologist; Bernhard Egwolf, associate professor sa UST; Erwin Alampay, professor sa UP-NCPAG; Michael Tee, professor sa UP College of Medicine; Benjamin Vallejo, professor sa UP-IESM; at Rodrigo Ong, UP lecturer.

Katrabaho rin OCTA Research ang Blueprint.PH na pinangungunahan ng CEO at OCTA Research fellow na si Eero Rosini Brillantes.

PULSE ASIA RESEARCH, INC.

Photo courtesy: Pulse Asia Research Inc. (Facebook)

Ang Pulse Asia Research, Inc. ay binubuo ng mga propesyonalna may dalubhasa sa kani-kanilang larangan ng pag-aaral. Nakatuon sila sa pagsubaybay sa mga mahahalagang isyu tulad ng socio-economic political at cultural issues.

Pinangungunahan ito ni Dr. Ronald Holmes, presidente ng Pulse Asia. Isa rin siyang political science professor sa De La Salle University.

Ang iba pang bumubuo ng Pulse Asia ay sina: Dr. Ana Maria L. Tabunda, treasurer at Research Director; Dr. Pia Raquedan, Associate Research Director; Ms. Liza Reyes, Programs Head; Ms. Shiela Billones, Head Statistician; Dr. Enrico Osi, Marketing Head; at Ms. Virginia Gutierrez, Finance Coordinator.

SOCIAL WEATHER STATIONS O SWS

Photo courtesy: Social Weather Stations (Facebook)

Ang SWS ay isang private, non-stock, nonprofit social research institution. Ang mga miyembro nito ay binubuo ng social scientists sa economics, political science, sociology, statistics, at market research.

Dito sa Pilipinas, pinangungunahan ito ng economistna si Dr. Mahar Mangahas.

Ang mga Founding Fellows ay sina: Felipe Miranda, political scientist; Mercedes Abad, Market research specialist; Jose de Jesus, social psychologist; Ma. Alcestis Mangahas, economist; Gemino Abad, isang poet; at Rosa Linda Miranda, economist.

PUBLiCUS ASIA, INC.

Photo courtesy: PUBLiCUS Asia Inc.

Ang Publicus Asia, Inc. ay ang kauna-unahang SEC-registered lobbying at campaign firms na nagtutustos ng political, corporate, at advocacy projects.

Pinangungunahan ni Ma. Lourdes Tiquia, Founder at CEO, ang Publicus Asia. Isa siyang tanyag na lobbyist at political strategist sa Pilipinas at sa Asya,

Ang tatlo pang board of directors ng Publicus Asia ay sina: Lilibet Amatong, Co-founder at COO, dalubhasa siya sa information-education-communication-mobilization (IECM) at human resources management and development; Kenneth Liotongco, Director-Business Development, at isa rin siyang entrepreneur; Manny Tabunda, Director-Technology Applications, kilala siya national at local governments at nauugnay sa paggawa ng Local Government Code.