Nagpahayag ng pagsuporta ang aktor at modelong si Alex Diaz para sa kandidatura nina VP Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan, kaya isa siyang certified Kakampink.

"Ang aking Presidente at Bise Presidente #LeniKiko2022 - All love. Gusto nating lahat ay ang da best para sa ating bansa," saad ni Alex sa caption ng kaniyang Facebook post noong Pebrero 2021.

Aniya, wala na rin siyang panahon para makipagtalo pa sa ibang mga tagasuporta ng ibang mga kandidato. Lahat naman daw ay may kani-kaniyang ipinaglalaban.

"Wala na ako sa posisyon na makikipagtalo pa ako- alam ko naman na lahat tayo ginagawa natin kung ano sa tingin natin ang tama," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/Alex Diaz

Pinuri ni Alex si VP Leni sa note-taking skills nito sa ginanap na CNN Philippines Presidential Debate noong Linggo, Pebrero 27, 2022.

"Sana ol magaling mag-notes!! Gotta get this good kaso hirap ako sa organization talaga," saad sa kaniyang caption kalakip ang screengrab ng mga litrato ni VP Leni habang abalang nagsusulat.

Si Alex ay umamin na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community. Noong Setyembre 2021, nagpatutsada siya sa mga netizen na nagsasabing kapag hindi sinusuportahan ang mga 'Marcos' ay branded na kaagad bilang 'Dilawan'.

Giit ng aktor, hindi naman ibig sabihin na hindi pumapanig sa kanan ay makakaliwa na. Hindi rin siya panig sa mga Dilawan. Bawat isang panig umano ay may positibo at negatibo. Kayang-kaya umano niyang kondenahin bilang isang mamamayang Pilipino kung anumang bagay na sa palagay niya ay mali, sa magkabilang panig.

"Feel free to unfollow me right now kung ganito pa rin ang argumento n'yo. Hindi kawalan sa akin. It has never been about being dilawan if I am anti-Marcos. It has been about valuing complete transparency and Filipino lives. I can condemn the injustices committed by both parties AND demand for a better government," aniya.

Si Alex Diaz o James Alexander Diaz McDermott ay isang Scottish/Filipino triple threat actor, recording artist at producer.

Nagsimula ang kaniyang showbiz career noong 2012 bilang isang rookie radio jock sa Monster Radio RX 93.1 Noong 2013, napabilang siya sa Star Magic Circle 2013 kasabayan nina Julia Barretto, Khalil Ramos, at Liza Soberano.