Ibinahagi ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang kanyang naging notes sa naganap na CNN Presidential debate nitong Linggo, Pebrero 27, 2022.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 28, sinabi ni Robredo na ang challenge sa debate ay pagkasyahin ang mga kailangang sabihin sa loob ng 1.5 minuto.

"The challenge is always how to encapsulate all you need to say in the 1.5 minutes given to you. Good thing the organizers gave us a pen and some sheets of paper. Very useful in organizing my thoughts," ani Robredo.

Binanggit din ni Robredo na hindi niya nagamit ang ilang notes dahil hindi naman itinanong sa kanya.

"Some of them I wasn’t able to use because they were not asked. Was just trying to anticipate some of the questions," aniya.

Hindi na rin siya umano nakakapagnotes tuwing siya ang unang tinatawag.

Samantala, ibinahagi rin ng bise presidente na dahil sa pagsusuot ng heels sa loob ng tatlong oras ng debate, hindi na siya makalakad. Hindi na rin umano siya sanay na magsapatos.

Sa kanyang opisyal ng Twitter account, ipinost dito ang kanyang larawan na nakatanggal na ang kanyang heels.

"[A] True leadership is stepping up and showing up... even if it means standing in heels for 3 hours," saad sa caption.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1497919627472486403

Kabilang sa mga dumalo sa presidential debate ay sina dating presidential spokesman Ernesto Abella, labor leader Ka Leody de Guzman, Manila Mayor Isko Moreno, dating Defense chief Norberto Gonzales, Senator Panfilo Lacson, businessman Faisal Mangondato, Dr. Jose Montemayor Jr., at Senador Manny Pacquiao.

Photo courtesy: CNN Philippines/FB

Hindi nakadalo si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil naka-iskedyul ang kanyang caravan at rally sa Pangasinan sa araw ng debate.

Gayunman, nag-iwan ng empty podium at upuan ang CNN para kay Marcos.

Photo courtesy: CNN Philippines/Twitter