Isa si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa mga dumalong presidential candidate sa ginanap na CNN Philippines Presidential Debates kahapon, Pebrero 27, 2022 na ginanap sa UST building hosted by Pia Hontiveros at Pinky Webb.

Bago ang aktwal na pagsalang ng mga presidential candidate ay aktibo ang official Twitter account ni VP Leni. Ibinabahagi rito ang kaniyang mga behind-the -scenes bago ang aktwal na programa. Isa sa mga pinusuan ng mga tagasuporta niya ang litrato niya na may caption na "Walang inuurungan, handa laging lumaban. #IpanaloNa10To ?."

Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

Binigyang-diin naman ni Robredo ang kahalagahan umano ng pagsalang sa debate.

“Ito ‘yung pagkakataon ng taong bayan para suriin ‘yung aming demeanor, makita ‘yung aming character, pwedeng matanong kami tungkol sa aming track record. ‘Yung number one ingredient din ng leadership aside from character is you show up in the most difficult times. ‘Pag hindi ka mag-show up in the most difficult times hindi ka leader,” aniya.

“So, kahit mahirap kailangan nandiyan ka, kailangan kaya mong harapin ‘yung mga itatanong tungkol sa ‘yo, kailangan kaya mong masagot kung ano ‘yung issues laban sa ‘yo. Hindi ka magtatago,” pagdidiin pa ni Robredo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/28/di-ka-maaaring-maging-pinuno-kung-di-ka-lumantad-robredo/

Pinag-usapan din ng mga netizen ang tila pagra-rap ni Robredo matapos umanong ilatag ang mga nagawa ng Office of the Vice President sa panahon ng pandemya, sa loob lamang ng 90 segundo.

"[A] Rap kween ‘yarn?! Sa dami ng nagawa ni VP Leni Robredo at ng Office of the Vice President sa gitna ng COVID pandemic, kukulangin talaga ang 90 seconds—pero achieve! ?," ayon sa tweet.

Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

Sa isa pang tweet, makikita ang litrato ng pangalawang pangulo na nakayapak na lamang at binitbit ang kaniyang sapatos na de-takong.

"[A] True leadership is stepping up and showing up… even if it means standing in heels for 3 hours. ??‍♀️? #10RobredoPresident #IpanaloNa10To," ayon sa caption.

Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

Matatandaang dinaluhan ni Robredo ang halos lahat ng presidential forum at interview, kabilang na ang itinakda nina Jessica Soho, Boy Abunda, at Korina Sanchez-Roxas; ng DZBB Teleradyo, at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).