Sa patuloy na bakbakan ng Ukraine at Russia, ilang sibilyan ang naiipit sa gulo kabilang na ang isang fan ng “One Piece” na nagpahayag ng kanyang pagkabahalang mamatay nang hindi nalalaman ang wakas ng sikat na Japanese anime.

Isang post sa One Piece sub-Reddit ang agad na nag-viral matapos magbahagi ang isang taga Ukranian One Piece fan ng kanyang pagkabahala sa patuloy na bakbakan sa kanilang bansa.

“I don’t want to die before knowing the end of One Piece,” saad ng Reddit user na si Kyiv sa viral na ngayong sub-Reddit thread.

“F*ck man f*ck.I don’t want to die. I have many regrets in life but one of my greatest regrets will be that I will die without knowing what One Piece truly is,” saad niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ibinahagi pa nitong malapit sa kanyang kinaroroonan ang mga pagsabog dahilan para isipin niyang maaaring malapit na rin magtapos ang kanyang “journey.”

“It’s truly been a long and fun journey guys. I hope everyone lives to see the end of this journey. I’m hearing blasts and I think this is where my journey ends. Farewell nakamas!” aniya.

Ilang kapwa One Piece fans naman ang nagpaabot ng moral na suporta sa Ukranian fan.

Matapos ang kanyang huling post nitong Biyernes, muling nakapag-online ang fan at ibinahagi pa na muli siyang nakapagbasa ng panibagong chapters ng sikat na Japanese anime.

"I'm currently alive. I'm able to post this update because I took the phone of a dead person in the hospital and took her sim card and put it into mine. I've read latest chapter now and it's fucking amazing. I don't want to die before the end and I will try my best to survive.I can't leave this hell. For men to leave, you have to bribe a lot,” saad nito.

Kasalukuyang direktiba ng bansang Ukraine sa mga edad 18 pataas na kalalakihan na manatili sa bansa upang tumango ng armas at depensahan ang kalayaan laban sa all-out war na idineklara ng Russia.