Para sa dating National Task Force against COVID-19 special adviser na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, “trying hard” si Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno para ipakitang siya’y “firm and decisive” sa naganap na CNN Presidential forum noong Linggo.

“In my humble opinion, Isko was trying to please everybody and project himself as firm and decisive. He was telegenic,” ani Leachon sa isang Facebook post kalakip ang isang quote card ni Isko kaugnay ng hindi nito pagsasauli ng campaign funds sa kanyang mga tagasuporta.

“His campaign fund issue, dumping Dr. Willie for SARA [emoji], Embracing DDS supporters even though he has a political party, and neutrality on the Russia - Ukraine war are telltale signs that he would compromise for money and power in the future,” dagdag ni Leachon.

Gayunpaman, hindi naman kinukwestyon ni Leachon ang pamumuno at pamamahala ng alkalde ng Maynila.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“But I’m a physician. I can profile these persons and patients. This is my personal view,” sabi ni Leachon.

Samantala, naniniwala naman siyang hindi maaapektuhan ng kanyang opinion ang kandidatura ni Isko dahil sa kasikatan nito.

Sa naganap na CNN Presidential debate, tanging si Isko lang ang hindi sumang-ayon na ibalik ang campaign funds matapos ang eleksyon.

Dito dinepensahan niyang paraan niya ito para maging patas sa mga Pilipino.

“I have to be fair with the Filipino people. Hindi ako nagsauli ng binigay sa aking tulong sa kampanya na sobra, ngunit tinupad ko ang aking tungkulin bilang mamamayan na magbayad ng buwis,” ani Isko.

Nauna nang inamin ng alkalde na umabot sa P50.8 million ang halaga ng perang hindi nito nagasta mula sa kanyang donors noong siya’y tumakbo sa Senado noong 2016.