Inilabas ng magkapatid na Tricia at Jillian Robredo ang kani-kanilang notes, na noo’y requirement sa kanila ng inang si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo para mas epektibong pag-unawa sa mga aralin sa klase.

Sa isang retweet ng ulat kung saan naglabas ang aspiring President ng kanyang notes sa naganap na CNN Presidential debate nitong Linggo, ibinahagi ni Tricia, pangalawang anak ni Robredo, ang kanya namang resibo at natutunang training sa ina.

“Skl [Share ko lang]: Mama always required us to take down good notes & make color-coded outlines. Tests how well we understood the lessons daw and becomes a good reference for future use,” saad ng ngayo'y doktor na si Tricia kalakip ang mga larawan ng kanyang notes noon sa Ateneo School of Medicine and Public Health.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

https://twitter.com/jpgrobredo/status/1498187015078428672

“It was a habit I carried with me until med kaya lagi pa rin akong may cattleya at pencil case noon. [emoji]” dagdag niya.

Sinegundahan din ito ng bunsong anak ni Robredo na si Jillian na nagbahagi ng sariling resibo ng kanyang notes.

https://twitter.com/jillrobredo/status/1498203472843317252

Ito ang tugon ng magkapatid sa ilang alegasyon na “scripted” umano ang naging pagsagot ni Robredo sa CNN Presidential debate.

Ilang tagasuporta ni Robredo ang nagpahayag ng paghanga sa naging matalas at kumpiyansang mga tugon ng bise president sa ilang pinakamahihirap na tanong sangkot ang pinakamalalaking isyu na kinahaharap ng bansa.

Basahin: VP Leni, nag-rap daw sa CNN Phils. Presidential Debates: ‘Walang inuurungan, handa laging lumaban’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid