Inamin ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez sa panayam ni Ogie Diaz na noong una, hindi niya bet ang kagustuhan ng anak na si Arjo Atayde na pasukin ang politika. Pero dahil alam daw niyang sinsero ang anak sa hangarin nito, napapayag na rin siya at buo ang suporta niya rito.

Screengrab mula sa YT/Sylvia Sanchez

Tumatakbo ang aktor sa pagiging kongresista ng unang distrito ng Quezon City, kaalyado ng kasalukuyang QC mayor na si Joy Belmonte.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Wala akong takot na tumatakbo siya dahil alam kong totoo ‘yung gusto. Sincere ang anak ko sa pagtakbo. Gusto talaga n’yang tumulong. So alam ko totoong Arjo ‘tong humaharap sa kanila, nang walang halong pambobola, hindi nanloloko ng tao.”

Gayunman, inaamin niyang natatakot siya para sa anak lalo't magulo ang mundo ng politika, lalo na kung buhay na nito ang pag-uusapan. Wala raw panama ang gulo ng showbiz sa gulo ng politika.

“Pero may takot ako doon sa alam naman natin, eh. ‘Yung politika, magulo. Kung sa showbiz magulo, alam natin. Walang panama ang showbiz sa politika dahil dito minsan, involved dito ‘yung baril. May mga nangyayari. May mga barilan. Doon lang ako takot para sa anak ko,” sey ng aktres.

Dalangin na lamang ng ina na kung papalarin si Arjo, huwag daw sanang magbago ang mga magagandang asal at katangian nito at huwag papakain sa magulong sistema. Kung magbabago raw ang anak, siya na raw mismo ang magdadasal sa Diyos na huwag na lang panalunin ang anak na jowa ni Maine Mendoza.

Hindi raw nagpapigil si Arjo sa pagtakbo kahit na maraming humikayat dito na huwag na lang tumuloy. Keber na rin sila sa mga naninirang-puri, pero hindi rin nila gagawin ito. Lumang estilo o old school na raw ito.

“Hindi kami lalaban ng sira. Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo. Siraan kami nang siraan, siraan nang siraan ang anak ko, ang napag-usapan at ang sinabi ni Arjo, ‘Hindi ako lalaban sa siraan, mommy kasi nandito ako para magserbisyo… gusto kong tumulong sa tao. Hindi para manira ng kahit na sino lalong-lalo na ng kalaban ko. That’s not my cup of tea. Hindi ako ganoo," pagtatanggol ni Ibyang sa anak.

Bilin daw niya sa anak, huwag na huwag magpapadala at magpapalukob sa kapangyarihan kung sakaling palarin.

“Nak, kapag nanalo ka, huwag kang magpadala sa power. The more na maging mapagkumbaba ka at saka tulungan mo ang buong District 1. Itanim mo ang pagmamahal sa District 1 kasi ‘yung pagmamahal, yung pakikisama, at pagiging mabuting tao na itinanim mo, babalik ‘yan sa ‘yo. Mamahalin ka rin ng mga taga-District 1," aniya.

Ibinuking din ni Sylvia na humingi ng dispensa sa kaniya ang jowa ng anak na si Phenomenal Star Maine Mendoza dahil sa mga sinasabi ng mga basher na milyones lamang daw nito ang habol ni Arjo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/27/sigaw-ng-bashers-arjo-milyones-lang-daw-habol-kay-maine/

Maine Mendoza, Arjo Atayde mark 2nd anniversary with getaway photos – Manila  Bulletin
Arjo Atayde at Maine Mendoza (Larawan mula sa IG)

At ngayong tumatakbo nga si Arjo bilang district representative sa Quezon City, hangga't maari daw ay hindi na niya isinasama si Maine para maprotektahan ito. Iwas na rin ang aktor na bibida sa 'The Cattleya Killer' na masabihan na naman sila ng kung ano-ano at maungkat na naman ang 'gamitan' issue.