Pagsaludo ang ibinigay ni senatorial aspirant at Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero sa mga dumalo ng katatapos lamang na presidential debate nitong Linggo, Pebrero 27.

Sa tweet ni Escudero, sinabi nito na lahat ng kandidato ay nagpamalas ng kahusayan at galing.

Ngunit para kay Escudero, may tatlong higit na nangibabaw — sina Sec. Ernesto "Ernie" Abella, Sen. Panfilo "Ping" Lacson Sr., at VP Leni Robredo.

"Re: #cnnpresidentialdebate2022 All the candidates did very well but Sec. Abella, Sen. Lacson, & VP Leni stood out! Sec. Abella & Sen. Lacson showed their vast experience & VP Leni was very “presidentiable,” full of substance, to the point & humble yet confident! Kudos to all!" ani Escudero.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://twitter.com/SayChiz/status/1497910440692969473

Giit pa ni Escudero, dapat maging miyembro ng gabinete si presidential aspirant at labor leader Ka Leody de Guzman.

Nagpahayag ng pagsang-ayon si Escudero sa tweet ng isang film critic.

"I hope Ka Leody at least ends up in a cabinet position. He's a person that needs to be in the room where it happens," sabi sa tweet na siya namang sinang-ayunan ni Escudero.

Sinabi ni Escudero, hindi dapat binubuo ng mga "yes persons" ang pamahalaan. Dadgag pa niya, kinakailangan ng bansa ang tulong ng lahat para makabangon mula sa pandemya.

https://twitter.com/SayChiz/status/1497915693039116293

"I completely agree!!! Gov’t. should not be composed of just “yes” persons… We need everyone’s help to recover from this pandemic & divergent views are definitely a sine-qua-non to comprehensively address all our country’s woes," ani Escudero.