Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong 2022, umabot lamang sa 951 o wala pang 1,000, ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Pebrero 28, Lunes.
Ito na ang pinakamababang bilang ng kasong naitala ng DOH ngayong taon. Noong Disyembre 2021, huling naitala ang less than 1,000 na bilang ng kaso ng sakit sa bansa.
Dahil dito, umaabot na sa 3,661,997 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang bilang, 1.4% na lamang o 52,179 ang mga aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso naman, 47,157 ang mild cases lamang habang 528 naman ang asymptomatic.Mayroon rin namang 2,779 na moderate cases, 1,417 na severe cases at 298 na critical cases.
Nkapagtala rin ang DOH ng 1,717 na pasyenteng gumaling na sa sakit kaya umabot na sa 3,553,367 ang kabuuan nito.
Limampung pasyente naman ang naidagdag sa binawian ng buhay dahil sa COVID-19 kaya nakapagtala na ang bansa ng 56,451 na kabuuan nito.