Dead on arrival sa ospital ang isang mag-amang magkaangkas sa motorsiklo matapos sumalpok sa isang truck sa Manapla, Negros Occidental nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Manapla Police chief, Maj. Jaynick Bermudez, ang dalawa na sina Francisco Pangantihon, 51, at Francis, 23.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang mag-ama, sakay ng motorsiklo at binabagtas ang national highway sa Brgy. Tortosa nang bigla silang sumalpok sa isang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada.

Paliwanag ni Bermudez, posibleng hindi napansin ng nagmamanehong si Francis ang truck dahil sa sobrang dilim.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

Sinabi nito na 2020 pang nakaparada sa lugar ang truck na walang early warning device matapos masiraan at pinabayaan na rin umano ng may-ari na taga-Roxas, Capiz.

Iniimbestigahan pa rin ito ng pulisya at posible rin umanong panagutin ang may-ari ng truck sa insidente.

Glazyl Masculino