Patay ang tatlong Chinese na pinaghihinalaang kidnapper matapos umanong makipagbarilan sa grupo ng Philippine National Police (PNP)-Anti-Kidnapping Group, Parañaque at Pasay City Police at sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagresulta sa pagkakaligtas ng isang Chinese at isang Taiwanese sa Parañaque City nitong Pebrero 27.

Dead on arrival sa ospital ang tatlong hindi pa nakikilalang Chinese dahil sa mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sumasailalim naman sa imbestigasyon ang dalawang biktima na sina Zhou Xiang Qin, 42, Chinese, at nanunuluyan sa 1322 Gold Empire Tower, Malate sa Maynila, at Li You,33, Taiwanese, at marketing manager ng CBC Asia, Techno ZonesaBacoor, Cavite.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District Director, Brig. General Jimili Macaraeg mula kay Senior Police Sgt. Walter Dulawan, may hawak ng kaso, nagkasa ng rescue operation ang mga awtoridad sa No.41 Vicente Recto St., Brgy. B.F. Homes, Parañaque City dakong 5:50 ng hapon nitong Linggo, na nauwi umano sa sagupaan.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Narekober ang iba't ibang klase ng baril, mga bala, airgun, handheld radios, bullet vest, assorted AFP uniforms, fliers, baseball bats, Oppo cellular phone, black decker grinder with case, isang kahon ng drugs paraphernalias, weighing scale, laptop, airsoft magazines, airsoft face protector, magazines, firearm cases, isang black Toyota Innova na may plakang S3-P364 at Kymco motorcycle (888 FCK).

Sa police report, nag-ugat ang operasyon matapos mahuli ang isang suspek ng kidnapping sa Las Piñas City na si Lorriel Lozano, 22, taga-Vicente Recto, B.F. Homes, Parañaque City kamakailan.

Pagpasok ng mga awtoridad sa nasabing bahay, bigla na lamang umano silang pinaputukan ng mga suspek kaya humantong ito sa sagupaan na ikinasawi ng tatlong suspek.