Nirerespeto ni Vice Presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso ng presidential at vice presidential candidates sa 2022 polls.

Nanatiling tahimik si Pangulong Duterte sa pag-endorso ng sinumang kandidato para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

“We respect the position of the President. Maybe because he is his own person, and he is the President,” ani Duterte-Carpio sa isang press conference nitong Lunes, Pebrero 28.

“He comes from a party that is different from the party of my running mate and my political party no, so, I am from Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), he [President Duterte] is from Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) and Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos is from Partido Federal ng Pilipinas (PFP),” paliwanag niya.

National

PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi sila gaanong nag-uusap ni Mayor Duterte, minsan lang silang nagkausap nitong mga nakaraang buwan.

Sa pag-uulat, 69 na araw na lang ang natitira bago ang National Elections sa Mayo 9, 2022, kaya maraming botante ang nag-iisip kung babasagin ba ng Pangulo ang kanyang pananahimik at mag-eendorso ng kandidato sa pagkapangulo o bise presidente.

“So meron kanya-kanya talagang direksyon ang mga Partido and ang mga politicians, and we respect the President kung ano yung kanyang paninindigan with regard to endorsement ngayong elections,” ani Duterte-Carpio.

Si Duterte-Carpio ay tumatakbo sa pagka-bise presidente kasama si presidential bet Marcos, Jr., na parehong nasa ilalim ng UniTeam tandem.

Seth Cabanban