Nakiisa si Senador Christopher ‘’Bong’’ Go nitong Lunes, Peb. 28 sa panawagan na pansamantalang suspendihin ang online cockfighting o ‘e-sabong’ operations.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng mga senador na suspendihin ang ‘e-sabong’ operations kasunod ng ng public hearing kaugnay isyu noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Senator Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa, chairman ng Senate Public Order and Dangerous Drugs committee, na ipagpapatuloy ng kanyang komite ang mga public hearing sa mga operasyon ng ‘e-sabong’ sa Biyernes ng umaga.
Ang pagsisiyasat ay bunsod ng pagkawala kamakailan ng 31 katao, karamihan ay mga sabungero sa Maynila at mga kalapit na lalawigan.
‘’Bilang Senador, umaapela ako sa lahat na makiisa sa imbestigasyon. Maraming buhay ang apektado. Dapat lumabas ang mga nawawalang tao at lumabas ang katotohanan,” ani Go.
‘’I reiterate my appeal to the PNP (Philippine National Police), NBI (National Bureau of Investigation) and other concerned agencies to act on this matter and resolve these cases immediately,’’ pagpupunto niya.
’’I also urge PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) and other government regulatory bodies to review their policies and ensure full compliance with security, surveillance and records requirements to prevent these kinds of incidents,” dagdah niya.
‘’Panagutin ang dapat managot at alamin kung sino ang nagpabaya. Hindi dapat hinayaang umabot pa sa ganitong sitwasyon na may mga taong nawawala at buhay na ang nakataya!”
May mga panawagan na itigil ang operasyon ng e-sabong kasunod ng mga ulat na maraming sabungero ang nalugi o nabaon sa utang, at nasangkot sa ilang krimen.
Ilang pulis din ang naiulat na nakagawa ng krimen dahil sa pagkalugi sa ‘e-sabong’.