Hindi pinalampas ng “Kape Chronicles” director ang tweet ng tanggapan ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo kung saan makikitang nakapaa na ito kasunod ng tatlong oras na pagsusuot ng heels sa isang public forum.

Tirada ni Yap sa isang Facebook post, “alam ng true leader kung gaano tumatagal ang mga debate; na sasakit ang kanyang binti at paa kung maghi-heels siya.”

Matatandaang ibinahagi sa isang Tweet ang larawan ni Robredo bitbit ang kanyang heels kaya’t makikitang nakapaa na rin ito.

“True leader is stepping up and showing up… even if it means standing in heels for 3 hours, [emojis]” saad ng kampo ni Robredo sa isang Tweet nitong Linggo, Pebrer 26 kasunod ng CNN Presidential forum.

ABS-CBN unaware sa inihaing house bill, pero nagpasalamat kay Salceda

Paghahatol ni Yap, “poor planning” at “wrong decision” ang pagsusuot ni Robredo ng heels kahit alam nitong mahabang oras ang tatakbuhin ng debate.

“Showmanship is not leadership,” dagdag na banat ni Yap.

Kilalang masugid na tagasuporta si Yap ng UniTeam tandem Presidential candidate Bongbong Marcos at Vice Presidential aspirant Sara Duterte na parehong no-show sa naturang debate.

Isa namang “wise decision” para kay Yap ang hindi pagdalo ng kanyang manok sa naturang debate na tinawag pa niyang isang “show.”

Matatandaang inabot ng batikos ang direktor mula sa mga tagasuporta ni Robredo kasunod ng kanyang kontrobersyal na “Kape Chronicles” series na tila patutsada umano sa bise-presidente.