Nangako si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin ng kanyang administrasyon ang isang dekada nang problema ng pagkawala ng kuryente o brownout sa ilang bahagi ng Bicol region kung siya ay mahalal sa Malacañang.

Sinabi ni Marcos Jr. na papaboran niya ang “natural sources of energy” kaysa sa coal at fossil fuels dahil laging “available” ang renewable sources ng enerhiya.

Nakisimpatya ang presidential candidate sa mga rehiyong wala pang kuryente at sinabing ramdam niya ang hirap ng mga Bikolano sa ilang-dekada nang suliranin sa enerhiya.

Sinabi ni Marcos na bukod sa mga pansamantalang solusyong ipinapatupad, kailangan din ng pangmatagalang solusyon na hahantong sa tuluyan at permanente sagot sa suliranin.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sunod niyang hinapahg ang ideya ng wind farm, na ayon sa kanya ay maaaring magong viable engery source ng rehiyon.

Ikinalungkot ni Marcos Jr., ang kawalan ng kuryente sa ilang lugar sa bansa na isa rin umano sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang ilang investors na tumaya sa bansa.

“This has been a constant sticking point with all of our investors, not only foreign investors but even the local investors. Kapag tinatanong mo yung mga negosyante na gustong magtayo ng planta, gustong magtayo ng manufacturing ‘yun ang inirereklamo nila. Sinsasabi nila ang taas masyado ng kuryente nila, hindi kami maka-compete sa ibang lugar,” aniya habang idinagdag ang kahalagahan ng Public-Private Partnerships (PPP).

Joseph Pedrajas