Inaasahan ng isang independent monitoring group na mas mababa pa sa 1,000 ang maitatalangkaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa sa Marso 1.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group, medyo bumagal ang pagbaba ng kaso ng hawaan sa Metro Manila. Gayunman, masasabi aniyang bumababa pa rin ito.
Nasa 300 kaso kada araw ang naitatala sa NCR habang ang health care utilization rate ay nasa 25% na lamang na maituturing na magandang indikasyon.
Umaasa na lamang si David na magpatuloy ang bumababang bilang ng hawaan sa susunod na linggo o sa panahon na wala nang 1,000 ang maitatalang kaso araw-araw.
Nilinaw pa nito na hindi nila masasabing magkakaroon ng pagtaas pa rin ng kaso kaya nararapat pa ring ituloy ang pagsunod sa minimum public health standard.