Nakalikas at ligtas na ang 40 pang Pinoy mula sa Ukraine at hinihintay na lamang ang kanilang flight sa mga kalapit na bansa upang makauwi na sa Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes.
Inihayag ngOffice of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) ng DFA na ang mga nasabing evacuees ay nasa Poland, Hungary at Moldova.
Isinagawa ang paglilikasnang makipag-ugnayan ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Warsaw, Poland sa Filipino community sa Ukraine na umalalay naman sa grupo ng mga Pinoy na tumakas sa Lyiv nang magsimula ang paglusob ng Russia sa nabanggit na bansa nitong nakaraang linggo.
Nauna nang inihayag ng DFA na nakapag-uwi na sila ng anim na Pinoy mula sa Ukraine kamakailan.
Kaugnay nito, nangako ang gobyerno na gagawin nila ang lahat upang mailikas at maiuwi sa bansa ang mga natitirang Pinoy na naipit sa giyera sa Ukraine.
PNA