Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Marso 1.
Papatungan ng ₱0.90 kada litro ang presyo ng gasolina, ₱0.80 naman sa diesel habang aabot naman sa ₱0.75 sa kerosene sa Martes.
Idinahilan ng mga oil companies, nagkaroon ng price adjustment sa pandaigdigang merkado dahil sa epektong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kabilang sa magtataas ng presyo ang Caltex, Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz at Shell.
Ito na ang ikasiyam na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula noong Enero ng taon.
Sa loob ng walong linggong dagdag-presyo sa petrolyo sa mga petsang Enero 4,11,18,25 , Pebrero 1, 8, 15, at 22 ay umabot na sa₱10.85 ang itinaas ng diesel,₱9.55 sa kerosene at₱8.75 naman sa gasolina.