Nagpahayag ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza tungkol sa kanyang "political stand."
Sa isang Facebook post na may caption na "Warning: Toxic political post ahead,"makikita ang screenshot ng kanyang reply sa komentong: "But Gaza is campaigning for Leni with the same foreign policy mindset. Isn't it ironic?"
Sinabi ni Gaza, hindi niya ikinakampanya si Vice President Leni Robredo pero ito ang kanyang umanong personal choice.
"I'm not campaigning for Leni but she is my personal choice. Ang taong may utak ay hindi ginagawang Panginoon ang bet niyang kandidato," ani Gaza.
"Kung mali si Leni sa kanyang foreign policy then dapat natin siyang i-correct," dagdag pa niya.
Gayunman, naniniwala si Gaza na kung sakaling manalo sipresidential aspirant Bongbong Marcosay hindi ito magnanakaw sa kaban ng bayan dahil marami itong bilyong dolyar na umano'y "hidden wealth"
"Naniniwala ako na kagaya ng kanyang ina, si BBM ay magiging mahusay when it comes to international relations. Naniniwala rin ako na kapag nanalo si BBM ay hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan because they already have hundreds of billions of dollars na hidden wealth sa iba't ibang bahagi ng mundo. There's no point to acquire more," anang self-proclaimed pambansang Marites.
Naniniwala rin si Gaza na "more competent" si Marcos Jr. kaysa kay Robredo na wala umanong kalatoy-latoy.
"I also believe that BBM is a more competent president kumpara kay Leni na walang kalatoy-latoy."
Kahit na ganoon, si Leni pa rin ang kanyang personal choice dahil marunong umano ito na makinig sa tao.
"Siya ang kailangan ng Pilipinas. Naniniwala ako na kung sakaling manalo si Leni eh it will be a government by the People," saad ni Gaza.
"Maitatala niya ang tamang tao sa bawat ahensya ng gobyerno at sobrang makikinabang ang bawat Pilipino," dagdag pa niya.
Subalit hindi rin niya kinakampanya si Robredo dahil naniniwala siyang mananalo si Marcos Jr. sa Mayo.
Dahil sa mgasurvey na isinagawa ng mga kilalang ahensya, ilang beses na nanguna si Marcos Jr. at pumapangalawa minsa'y pangatlo si Robredo.
Latest survey:https://balita.net.ph/2022/02/24/bongbong-marcos-nanguna-sa-presidential-survey-ng-isang-campaign-firm/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/24/bongbong-marcos-nanguna-sa-presidential-survey-ng-isang-campaign-firm/