Nagbanta ang isang grupo nitong Linggo na maglunsad ng kilos-protesta kung hindi aaprubahan ng gobyerno ang petisyon nilang magtaas ng pasahe sa public utility jeepney (PUJ) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
"Tuloy po iyan," pahayag ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Orlando Marquez nang dumalo sa isang forum sa Maynila.
Makikipag-usap aniya ang kanilang grupo sa mga opisyal ng pamahalaan sa Martes, Marso 1 upang ilatag ang kanilang kahilingang itaas ng₱3.00 o magiging₱12.00 na ang minimum na pasahe sa jeep.
Aminado ang grupo na masyadong naapektuhan ang kanilang sektor sa sunud-sunod na walong beses na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa, bukod pa ang isa pang dagdag-presyo sa Martes.
Gayunman, hindi binanggit ni Marquez ang petsa ng isasagawang kilos-protesta.
Kaugnay nito, kaagad namang nagbigay ng suporta sa kanilang hakbang angFederationof Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) at Stop and Go coalition.