Diringgin ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang karapatan ng lesbian, gay, bisexual, transgender at queer (LGBTQ+) community sakaling mahalal na Pangulo.

Ito ang tiniyak ni Lacson, isang kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 2022 sa CNN Presidential 2022 presidential debate nitong Linggo.

“Same-sex marriange, no; civil union (for the LGBTQ community), yes,” sabi ni Lacson sa public debate.

Sinabi ni Lacson na sumasang-ayon siya sa kapwa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo na walang miyembro ng LGBTQ community ang dapat humarap sa diskriminasyon.

National

DOH, nagbabala tungkol sa 'Holiday Heart Syndrome'

“Dapat walang discrimination, may karapatan din silang maging ordinaryo,” sabi ng Partido Reporma stand bearer.

“…Bigyan din natin sila ng pagkakataon,” ani Lacson.

Sa debate, ipinahayag din ni Lacson na pabor siya sa diborsyo.

Hannah Torregoza