Humirit sa pamahalaan ang isang transport group na dagdagan ng₱5.00 ang mininumna pasahe sa public utility jeepney (PUJ) sa gitna na rin ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa isang panayam sa telebisyon nitong Linggo, idinahilan din niFederation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President RicardoRebaño na matagal na silang nagtitiis na huwag magtaas ng pasahe dahil na rin sa kapakanan ng mga mananakay.
Gayunman, sa pagkakataong ito aniya ay kinakailangan na nilang kumilos para mayroon din silang maiuwing kita sa kanilang pamilya.
“Kami naman po’y natutuwa na nakakapag-serbisyo kami ng kapwa nating Pilipino. Pero sana naman po, ‘yung ating pamahalaan, 'wag kaming panoorin nang panoorin sa aming paghihirap na dinaranas namin. Umaksyon naman kaagad sila,” panawagan nito.
Kamakailan, inanunsyo ng ilang kumpanya ng langis sa bansa na magtataas na ulit sila ng presyo sa kanilang produkto at idinahilan ang paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado bunsod na rin ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kung matutuloyang hakbang ng mga oil companies sa Martes, ito na ang ika-9 na pagkakataong nagkaroon ng dagdag-presyo ngayong taon.
Nauna nang tiniyak ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaroon sila ng pagdinig sa petisyon sa Marso 8
“Kung maaprubahan po ‘yun, malaking tulong sa amin.Sana aprubahan niyo na ‘yan sa lalong madaling panahon para gumaan-gaan din naman ang buhay ng mga driver at operator,” sabi pa niRebaño.