Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Linggo, na umaabot na sa kabuuang 3.3 milyong bakuna laban sa COVID-19, ang na-administer na sa Maynila hanggang nitong Sabado ng gabi.

Kasabay nito, patuloy pa ring nananawagan si Moreno, na siya ring presidential candidate ng partidong Aksyon Demokratiko sa May 9 polls, at si Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa publiko na magpabakuna na.

Nabatid na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan na ay umabot na sa 1.7 milyon habang mahigit 1.6 milyon naman ang fully vaccinated na.

Sinabi ni Moreno na base sa Comelec figure na eligible population para sa bakuna, ang pamahalaang lokal ay matagumpay na naabot ang 162.16% habang kung ang pagbabatayan naman ay ang numero mula sa Department of Health (DOH), aabot na ito sa 127.80% .

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ang total doses naman na na-administer para sa mga menor de edad ay 275,188 kung saan 131,993 menor de edad, na kabilang general population ay fully-vaccinated na.

Base sa ulat ni Lacuna at Manila Health Department (MHD) chief Dr. Poks Pangan, na parehong namumuno sa mass vaccination program ng lungsod, ang mga indibidwal naman na tumanggap na ng kanilang booster shots ay umabot na sa 463,929.

Ayon pa kay Moreno, ang lungsod ay patuloy na nagpapatupad ng ‘open policy’ na ang ibig sabihin ay bukas ito sa lahat ng nais magpabakuna, maging residente man ng Maynila o hindi.

Apat na shopping malls at 11 community sites ang mga itinakdang vaccination sites sa lungsod habang ang vaccination ng minors ay tuloy-tuloy naman sabagong Manila Zoo at Ospital ng Maynila para sa minors na edad lima hanggang17.

“Para sa lahat, ipakita lamang po ang inyong QR code para sa verification at dalhin lamang po ang inyong updated vaccine ID na maaaring makuha sa www.manilacovid19vaccine.ph.,” sabi ni Moreno.