Tila kabaligtaran sa inaasahan, may pakiusap si Queen of All Media Kris Aquino sa mga taong patuloy na nagdarasal at nagpapahayag ng malasakit at suporta sa kaniyang tuluyang paggaling.
"Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Siyang pangunahan," ayon sa kaniyang latest Instagram post noong Pebrero 25, 2022. Ang 'Siya' ay tumutukoy sa Poong Maykapal.
"I continue praying for the Faith to continue hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and love me. Good night."
Bahagi rin ng Instagram post na ito ang pabatid niya na mag-offline muna siya sa social media. May susubukan daw kasing treatment sa kaniya ngayong Linggo kaya kailangang makapagpahinga siya at huwag munang ma-stress nang bongga.
"Offline po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko."
"1st dose ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na mag-aalaga sa akin. The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. I have faith in God’s plan and His timing."
Nagbahagi rin si Kris ng bible verses mula sa Philippians 4: NIV sa pamamagitan ng pink art card.
Bago ang IG post na ito, nagbigay na rin ng health update si Kris.
Sinabi rin ni Kris na wala siyang cancer, functional ang kanyang kidney at liver, at wala siyang diabetes.
“For us na lang yung autoimmune + other health issues ko, better for me to FOCUS on what's GOOD: cancer is ruledout, kidney function is okay, sugar is fine (meaning no diabetes), and so far liver function is okay considering all my maintenance meds," aniya.