Ibinahagi ni 'It's Showtime' host at tinaguriang 'Queen of the Dancefloor' ng musical variety show na 'ASAP Natin 'To' na si Kim Chiu na may pinanood siyang mga videos sa sikat social media platform na 'TikTok' tungkol sa international issue ngayon: ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa ibinahaging litrato ni Kim sa IG story niya, napuyat siya kakanood ng mga TikTok videos tungkol sa umiigting na sigalot sa pagitan ng dalawang bansa.

Screengrab mula sa IG/Kim Chiu

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Kim Chiu

"Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine," sey niya sa text caption.

"Wala lang, gusto ko lang magets," aniya pa.

"Now I know. Grabe pala."

Natuwa naman si Kim dahil marami raw siyang natutuhan sa kakanood sa mga TikTok videos.

"In fairness sa TikTok dami mong makukuhang info, news and all (clapping hands)."

"La lang share ko lang. Baka madami din curious about it like me."

Samantala, sinimulan na ng pamahalaan ang repatriation ng mga manggagawang Pinoy sa Ukraine dulot na rin ng banta ng Russia na lumusob sa nasabing bansa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/18/russia-lulusob-na-repatriation-ng-ofws-sa-ukraine-sinimulan-na/