Pagkakalooban ng higit pang benepisyo ang may 12 milyong senior citizens sa bansa kapag nahalal sina presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Mayo 9.

Ito ang pangako ng dalawang kandidato na nagsabing kailangang magkaloob ang gobyerno na higit na ayuda para sa nakatatandang mga Pilipino na kalimitan ay nangangailangan ng pera para sa pagkain at gamot.

Sinabi ni Marcos, kandidato sa pagka-pangulo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na isusulong niya ang tunay na implementasyon ng batas na nagkakaloob ng libreng health insurance sa lahat ng senior citizens sa Pilipinas..

“First and foremost, before we pass new laws that we are fond of doing, let us first implement the existing law giving benefits to senior citizens and retirees,” ani Marcos.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“This is important because we have to remember that senior citizens are usually no longer employed due to age and illnesses. So we have to cover their health insurance in addition to their pension. The government should pay for their health insurance, which they can readily use when needed,” dagdag pa.

Sa ngayon, kabilang sa natatanggap na benepisyo ng senior citizens, ay ang 20-percent discount at VAT exemption sa gamot, pagkain, pasahe at bayad sa doktor at  hospital bills.