Sinabi ni Senatorial candidate Gilbert “Gibo” Teodoro nitong Linggo na isusulong niya ang mas mataas na suweldo at benepisyo para sa mga guro upang matiyak ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas para sa mga kabataang Pilipino.

Dagdag ni Teodoro, ang mga guro ay nagsisilbing huwaran ng kabataan kaya dapat bigyan ng mas maraming insentibo para sa walang sawang paglilingkod para sa sektor ng edukasyon sa bansa.

Naalala ni Teodoro, dating defense secretary, ang isang engkwentro sa isang Grade 4 student noong campaign sortie sa Bacarra, Ilocos Norte, kung saan sinabi ng estudyante na gusto niyang maging guro kapag natapos niya ang kanyang pag-aaral.

“Gusto ko sanang makilala at pasalamatan ang teacher niya kasi talagang ginawa siyang ehemplo—role model nitong bata,” ani Teodoro sa isang panayam sa DZRH.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Mabuhay po ang ating mga guro na substitute parents at role model ng kanilang mga estudyante,” dagdag niya.

Dahil dito, sinabi ng dating kongresista ng Tarlac na karapat-dapat na magkaroon ng mas magandang sahod at benepisyo ang mga guro, na susulong niya sakaling manalo ng puwesto sa Senado sa darating na May 2022 elections.

“Napakalaki ng responsibilidad ng ating mga guro kaya utang natin sa kanila na pangalagaan din ang kanilang welfare,” pagpupunto nito.

“Lalo na kapag hindi na sila nakakapagturo,” dagdag nit Teodoro.

Hannah Torregoza