Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 1,038 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Pebrero 27.
Ito ang ikalawang pinakamababang bilang ng bagong kasong naitala ng bansa ngayong taong 2022.
Sa ngayon ang Pilipinas ay nakapagtala na ng kabuuang 3,661,049 kaso.
Sa naturang kabuuang bilang naman, 1.4% na lamang o 52,961 ang aktibong kaso, kabilang ang 47,910 na mild cases, 2,780 na moderate cases, 1,417 severe cases, 556 na asymptomatic, at 298 na critical.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 1,999 pasyenteng gumaling na sa sakit, sanhi upang umabot na sa 3,551,687 ang total COVID-19 recoveries sa bansa.
Nadagdagan naman ng 51 pasyenteng namatay sa COVID-19 kaya umabot na sa56,401 total COVID-19 deaths sa Pilipinas.