Nagpahayag ng buong suporta sa pakikipagbakbakan ng kanyang bansa laban sa Ukraine ang na-dethrone na Miss Universe 2002 mula Russia na si Oxana Fedorova.

“Understanding the events taking place, it is our duty to support the decision of the country's leadership,” saad ni Oxana sa kanyang Instagram post sa lenggwaheng Russian.

Dagdag niya, laging nasandig sa tama ang kanyang bansa at sa sitwasyon ngayon, wala itong ibang pagpipilian kundi ang magpadala ng opensiba sa Ukraine.

“Russia has always done as it should have. We have no other choice,” ani Oxana.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa huli, naniniwala ang dating Miss Universe titleholder sa paninindigan ng kanyang bansa.

“We must protect our citizens and put an end to lawlessness. Life has always put Russia in a difficult position, but it has always emerged victorious. I believe in Russia!” ani Oxana.

Matapos ang 119 na araw na panunungkulan bilang Miss Universe 2002, si Oxana ang kauna-unahang na-detrone na Miss Universe dahil sa hindi malinaw na dahilan.

Basahin: Dating Miss Grand Ukraine, nagbalik-militar para depensahan ang bansa vs Russia – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ilang pageant fans naman ang dismayado sa naging hayagang pagsuporta ni Oxana sa “marahas” na opensiba ng Russia.

“So basically she believes in taking innocent lives and destroying families and countries and causing war amongst nations. Pray for her cause she was taught the wrong way of living in God's world,” saad ng isang fan sa Facebook post ng isang pageant page.

“Very sad to hear about this. Named my Fiona after her. Fiorelle Oxana,” pagbabahagi ng isa pang fan.

“After all this years... tama lang pala na tinanggalan sya ng korona... beautiful face, heartless soul. No justification can change the suffering and death of the citizens because of greed of power and control,” komento ng isang dismayadong Pinoy fan.

“Wow! -guess for the first time ever - Im feeling much better that she was dethroned!”

Ilang fans naman ang dumepensa pa rin sa dating beauty queen.

“Hoyy! Alamin nyo muna history nila bago kayo kumuda! Basa basa din ng history pag may time! Baka hampasin kayo ni Prof. Clarita Carlos,” saad ng isang netizen.

“Y'all here stop being haters againts Oxana and her Country. Just like what Prof. Clarita Carlos say's "If you don't know the history 'bout Russia and Ukraine, Please just shut up!"