ILOILO CITY—Bilang dating komisyoner ng ahensya ng gobyerno na inatasang bawiin ang ill-gotten wealth ng diktadurang Marcos, pinasaringan ni dating Iloilo provincial governor Arthur Defensor Sr. si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“His family has robbed the Filipino people of billions of pesos,” ani Defensor sa ginanap na February 25 grand rally para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa Iloilo Sports Complex.

Si Defensor ay komisyoner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong mga unang taon ng administrasyong Cory Aquino.

“Ako ang nagdala sang dokumento diri sa Pilipinas halin sa Switzerland nga ga pamatuod nga US$ 530 million dollars nga kinawatan kag sa ngalan sang mga Marcoses,” ani Defensor sa harap ng tinatayang 40,000 dumalo sa campaign rally.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito’y matapos iguut ng mga tagasuporta ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito nagkamal ng ill-gotten wealth habang ang kanilang yaman ay hango sa umano'y Tallano gold at Yamashita treasure. Iginiit pa nila na ibibigay ito ni Marcos Jr. sa mamamayang Pilipino.

Sa engrandeng rally kasabay ng ika-36 na anibersaryo ng Edsa People Power Revolution, nagbabala si Defensor sa Iloongo voters na ang mga natamo 36 na taon na ang nakakaraan ay magiging walang silbi kung si Marcos Jr.

“Mabalik naman ang nadula nga hustisya sa aton kag pag pangawat sa Republika ng Pilipinas,” babala ni Defensor.

“Sa ilalim ni Leni, hindi niya nanakawan [ang bansa] — malinis, matapang at matalino,” dagdag niya.

Ang kanyang mga anak—incumbent Governor Arthur “Toto” Defensor Jr. at Iloilo 3rd District Congressman Lorenz “Noy” Defensor—ay sumusuporta rin kay Robredo sa pagkapangulo.

Tara Yap