Inanunsyo ng lungsod ng Caloocan nitong Linggo, Peb. 27 na kabuuang 28, 813 na ang mga batang bakunado edad lima hanggang 11 laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang kabuuang bilang ay inilabas ng Health Department (CHD) ng lungsod sa pinakahuling pagtatala nito noong Pebrero 25.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang lahat ng mga magulang na nagpabakuna sa kanilang mga anak laban sa virus at hinimok ang iba na ilista ang kanilang mga anak para sa mga jab.

Maaaring bisitahin ng mga magulang ang link bit.ly/CaloocanProfiling5-11 para irehistro ang mga menor de edad para sa kanilang mga bakuna o makipag-ugnayan sa Department of Education – Caloocan (DepEd Caloocan) para sa kanilang mga schedule.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ng lokal na pamahalaan na ang malawakang pagbabakuna para sa mga bata at iba pang age group ay magpapatuloy sa Lunes, Peb. 28 (ang oras at mga lugar ay hindi pa inaanunsyo).

Aaron Homer Dioquino