Ibinahagi ni APO Hiking Society member Jim Paredes na certified Kakampink ang mga kapwa niya miyembro nito na sina Danny Javier at Boboy Garovillo, ayon sa kaniyang latest tweet nitong Pebrero 27, 2022.

Ang kaniyang tweet ay may hashtag na '#TatlonAPOsilaForLENI'. Kalakip nito ang litrato nina Jim, Danny, at Boboy habang nakatalikod, nakataas at magkakahawak ang kamay, at nakaharap sa kanilang audience habang sila ay nasa entablado. Ito ay maaaring kuha mula sa kanilang dating concert o performance.

Screengrab mula sa Twitter/Jim Paredes

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Sana sir reunion na din ang EHeads and APO reunion for Leni. ?That would be something. Libre po mangarap. No pressure."

"Uuuuy just last night I dreamt of APO Hiking Society and now I see this. Cuuuuute. One of my favorite OPM artists talaga this group ever since! ?."

"I grew up listening to their songs because of my Dad. Kaya pag silang tatlo ang nag-reunion at kumanta for Leni, baka maiyak ako nang bongga!?"

"HOOOY OMG!! My favorite OPM band, supporting Leni!! Hoping that you will all perform soon sa rallies ni Leni ?."

"I’m really happy about this. This for me is the group with the best OPM songs. I especially love the song that made me stop cursing my painfully common name. Anyway, yay!?"

Ang buong pangalan ng naturang all-male OPM grouip ay 'The Apolinario Mabini Hiking Society na nabuo at unti-unting sumikat noong 1969, mula sa Ateneo de Manila High School, na may 15 miyembro. Ito ay sina John Paul Micayabas, Lito de Joya, Sonny Santiago, Gus Cosio, Renato Garcia, Chito Kintanar, Kenny Barton, Bruce Brown, Butch Dans, Kinjo Sawada, Ric Segreto Macaraeg, Goff Macaraeg, Doden Besa, Boboy Garovillo, at Jim Paredes.

Sa pagkakaalam ng marami, ang salitang 'APO' ay tumutukoy sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa Davao City, ang Bundok Apo, subalit ang totoo niyan, mula ito sa pinaikling pangalan ng bayani at tinaguriang 'Dakilang Lumpo' na si Apolinario Mabini.

Sa mga Ilokano, ang ibig sabihin ng 'Apo' ay wise man o matalinong tao.

Nang magkolehiyo na ang ilan sa mga miyembro at umalis na sa grupo upang tahakin ang kanilang mga karera, doon na pumasok si Danny Javier. Silang tatlo na lamang nina Boboy at Jim ang nagpatuloy ng kanilang legacy sa OPM industry.

Nagkaroon sila ng noontime show na 'Sang Linggo nAPO Sila' sa ABS-CBN mula 1995 hanggang 1998, bago ito masibak at mapalitan ng 'Magandang Tanghali Bayan' o MTB nina Randy Santiago, John Estrada, at Willie Revillame.