Aayudahan muli ng pamahalaan ang 1,881 pamilyang kulang ang nakuha sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Navotas.

Ito ang tiniyak ni Mayor Toby Tiangco at sinabing tig-₱5,000 lang ang nakuha ng nasabing mga pamilya na dapat sana ay₱8,000 sa 2nd tranche ng SAP Bayanihan 1 nitong nakaraang Disyembre.

Sasagutin aniya ng Navotas government ang₱3,000 para maibigay ito sa 1,881 pamilya sa lalong madaling panahon.

Paliwanag naman ng DSWD, ang mga qualified beneficiaries ng SAP sa 2ndtranche na nakakuha ng payout noong October 2021 ang maaring makatanggap muli ng₱3,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

"Hindi nila kasalanan na nagkaproblema ang pagbibigay ng DSWD ng second tranche. Late na ngang matanggap, bawas pa," sabi pa ng alkalde.