Usap-usapan ngayon sa social media ang paglitanya ng misis ni Baron Geisler na si Jamie Marie Geisler sa kaniyang Facebook post kung saan tila nanggagalaiti siya sa isang baguhang aktres o 'starlet' na nag-book umano ng kotse para sa kaniyang asawang aktor na susundo rito, upang makapag-inuman sila sa bahay nito.

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain't cool. It is very unbecoming of a single Christian woman. I support and respect my husband's craft, but I don't tolerate such disrespect. So, let's keep it professional," unang pasabog ni Jamie.

Screengrab mula sa FB/Jamie Marie Geisler

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa FB/Jamie Marie Geisler

Pinangaralan din ni Jamie ang Viva Artist Agency.

"Kabit sa movie, nadala in real life," dagdag pa ng ginang. Tinawag pa niyang 'starlet' ang tinutukoy na aktres.

"I suggest you train your talents/starlets to learn how to get out of character, Viva Artists Agency."

"This post is to encourage setting boundaries. I don't intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family. Wrecking a family shouldn't be an avenue to get famous, breast exposure and being fucked on screen should be enough. Know your place."

Baron Geisler Wife
Screengrab mula sa FB/Jamie Marie Geisler

Screengrab mula sa FB/Jamie Marie Geisler

Baron Geisler Wife
Screengrab mula sa FB/Jamie Marie Geisler

Hindi rin nagtagal ang pagkakabalandra ng kaniyang talak post dahil kaagad niya itong binura. Kaibigan daw niya ang nasasangkot at tila nagkaayos na sila.

"Thank you for your kind words, friends. I'm sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem."

Nakiusap naman si Jamie na huwag i-bash ang naturang baguhang aktres. Sana raw ay naiintindihan ng kapwa niya mga babae kung bakit siya sumabog nang ganoon, lalo't kakakasal lamang nila ni Baron noong 2019 sa pamamagitan ng civil wedding. Unti-unti na rin umano ang pagbabago ni Baron at pagtalikod sa mga dati nitong gawi.

"I sent her a personal message to no avail, so I had to get my message across. I know a lot of women can relate to my situation. Please don't bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn't thinking right. Praying God will take away the anger in my heart," paliwanag pa ni Jamie.

Napag-usapan naman ito sa latest vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh na 'Showbiz Update'. How true ang source ni Ogie na hindi pa raw talaga kinalilimutan ni Baron ang pag-inom ng alak? Pautay-utay daw pero hindi na ganoon kalala, kagaya ng dati.

"Pag nakainom talaga si Baron, parang dire-diretso eh… akala ko kasi talagang complete withdrawal na eh," ispluk ni Ogie Diaz mula naman sa kaniyang reliable source.

Samantala, ang buradong FB post ni Mrs. Geisler ay naka-tag sa mismong mister niyang si Baron, at sa kasama nitong aktres na si Janelle Tee, sa pelikulang 'Pusoy' na mapapanood sa Vivamax.

Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa YT)

Hindi naman kinumpirma ni Jamie kung si Janelle ba talaga ang pinatatamaan niya. Wala pang tugon o pahayag si Baron o maging si Janelle tungkol sa isyung ito.