Pumapayag na umano si Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng tinatawag na "high-level" talks sa Ukraine kasunod na rin ng pagsalakay ng Moscow sa nasabing bansa.

Sa pahayag ni Chinese President Xi Jinping, sa isang tawag ay nagkausap sila ni Putin kaugnay ng paglusob ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Xi, sinabi nito kay Putin nitong Biyernes na sinusuportahan nito ang Russia at Ukraine upang maresolba ang usapin sa pamamagitan ng negosasyon.

Dahil sa kaalyado ng China ang Russia, tumanggi si Xi na tawaging isang "pagsalakay" ang pambobomba sa Ukraine.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Gayunman, pinayuhan nito si Putin na mas makabubuti kung "iwaksi na ang Cold War mentality at bigyang-diin ang importansya at paggalang sa nakababahalang seguridad sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng epektibong negosasyon.

Binanggit naman ng isang media company sa China na ipinaliwanag ni Putin ang mga rason ng kanilang pagsalakay dahil sa matagal nang binabalewala ng NATO (North Atlantic Treaty Organization) at ng United States ang makatwirang pangamba ng Russia sa seguridad.

Agence France Presse