Tiniyak ni Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na tuloy ang pagbibigay ng Maynila ng libreng COVID-19 RT-PCR swab tests para sa mga mamamayan, maging residente man sila o hindi ng lungsod.
Ang pagtiyak ay ginawa ng alkalde nitong Sabado, kasabay ng ulat na sa ngayon ay mayroon ng kabuuang 197,378 indibidwal na nabigyan ngfree swab testing sa Maynila hanggang noong Pebrero 25, 2022 lamang.
“Maibsan man lang ang gastusin ninyo sa hirap na dinaranas natin sa pandemyang ito. Nais naming mabigyan kayo ng kapanatagan thru gold standard of testing at ‘yan po ay mananatiling libre hanggang kaya,loobin nawa ng Diyos,” pahayag ng alkalde.
Ginarantiyahan rin ni Moreno na mananatiling libre ang RT-PCR tests sa Maynila, kung ang papalit sa kanya sa pwesto bilang alkalde ng Maynila ay si Vice Mayor Honey Lacuna, matapos ang eleksiyon sa Mayo.
Sinabi ni Moreno na si Lacuna ay aktibong kabahagi sa paggawa ng mga pro-poor programs sa lungsod at nananatiling bukas sa pagtulong sa mga kalapit na siyudad.
“Kung kayo ay na-exposed, may sintomas, nangangamba sa gastos, ‘wag kayong mahihiya.Welcome kayo sa Maynila,” paniniguro pa ni Moreno.
Ang sinuman aniyang nais na mag-avail ng free swab testing ay maaaring magtungo sa drive-thru center sa Luneta o sa anim na pagamutan na pinatatakbo ng lungsod.
“Malugod po namin kayong paglilingkuran, maibsan lamang ang inyong pangamba at gastos,” dagdag pa niya.
Aniya pa, ang naturang libreng serbisyo ay available sa mga residente at sa mga nasa labas ng Maynila.
Nagpapatupad din ng open policy ang mass vaccination program sa ilalim ni Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan, na nangangahulugan na ito ay available sa parehong Manilans at outsiders.
“What is important, he said, is that vaccines are administered to as many as possible, since this is the goal of the government in order to achieve the needed population protection numbers, " ayon pa sa alkalde.
Maging first o second dose o booster vaccination, sinabi ni Moreno na lahat ng gustong tumanggap ng mga ito ay welcome sa Maynila.