Humingi na umano ng dispensa ang Kapamilya actor na si Mark Manicad sa kapulisan matapos ang pagtawag sa kaniyang atensyon dahil sa kumalat niyang campaign photo sa isang presidential candidate, habang nakasuot siya ng uniporme ng pulis.

Matatandaang kinuha ng PCADG Region 12 ang kaniyang atensyon sa social media at inatasan siyang magsagawa ng proper apology sa hanay ng kapulisan, dahil sa 'irresponsible use of the PNP uniform which created a misconception of PNP being a partisan body'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/23/campaign-photo-ni-mark-manicad-na-nakasuot-ng-uniporme-ng-pulis-sinita-ng-pcadg-region-12/

Ayon umano kay Mark, naalarma rin ang aktor at napagtanto ang kaniyang pagkakamali. Agad siyang naglabas ng public apology sa pamamagitan ng apology letter para sa lahat ng hanay ng kapulisan. Nag-post din siya sa kaniyang Instagram story tungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Paliwanag ni Mark, ang naturang litrato niya ay 2 taon na ang nakalilipas, at iyon ay batay sa kaniyang karakter na pulis sa longest running teleserye ngayon na 'FPJ's Ang Probinsyano', bilang si Captain Salonga. Nilinaw niya na hindi niya intensyong magsuot ng uniporme ng pulis para doon.

Hindi rin umano totoo ang mga kumakalat na isyu na kesyo nakalaboso siya o nakulong dahil doon. Kasalukuyan daw siyang nasa taping ng kaniyang bagong proyekto sa Kapamilya Network.

"Ang mali ay mali. Pasensya sa hanay ng ating kapulisan at sa mga na-offend," ani Mark.

"Gaya nga ng sinabi ko, Pinoy ako kaya mahal ko ang kapwa Pinoy ko. Bothered ako? Yes, dahil ayoko ng may nasasaktan o naapakan ako na kahit sino."

"Di man sinasadya o wala man intention na di maganda, pasensya pa rin. Sa mga nag-memessage ng magaganda, salamat sa suporta at sa di magaganda na salita, mahal ko pa rin kayo," pahayag pa ng aktor na wala na sa FPJ's Ang Probinsyano subalit kasama sa 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series' na pagbibidahan ni Jane De Leon.

Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa YT)

"Kung makikita po nila ang Instagram ko po, makikita po nila ang mga behind-the-scenes ng shooting ng FPJ's Ang Probinsyano," wika pa ni Mark na binasa naman ni Ogie Diaz. Ito raw ang magsisilbing resibo na 'in character' lamang niya ang pagsusuot ng uniporme ng pulis.

Alam din daw ng mga tagasubaybay at tagahanga niya na hindi siya pulis at hindi siya nagpapanggap na pulis, para lamang makapanloko ng kapwa.