Inaasahang tataas muli ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Marso 1 na epekto ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa pagtaya ng mga oil experts, posibleng tataas ng₱10 hanggang₱15 ang presyo ng kada kilo ng LPG katumbas ng₱110 hanggang₱165 para sa bawat 11-kilogram ng LPG.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado na dulot ng giyera ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng LPG ay naglalaro sa₱794.00 hanggang₱1,054.00.

Huling nagtaas ang presyo ng LPG nitong Pebrero 1 kung saan umabot sa₱4.00 per kilogram ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.