Pinabulaanan ng mismong may-ari ng Brightlight Productions na nagpoprodus naman ng 'Lunch Out Loud' na si Cong. Albee Benitez, na masisibak na sa ere ang naturang noontime show, batay na rin sa mga kumakalat na chismis.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang LOL kaugnay rito.
"There is NO truth to the claim that our noontime show, Lunch Out Loud (LOL) will go off-air anytime soon," ani Benitez.
Ayon daw sa Nielsen, nagbibigay ng tala hinggil sa TV ratings, maganda umano ang natatamong ratings ng kanilang palabas, at nakikipagtagisan sa mga katapat nitong noontime shows sa Kapamilya Channel at GMA Network.
“It is truly unfortunate that such malicious rumor has been made to circulate. My political pursuit has absolutely nothing to do with the show."
“All these speculations are unfounded assertions, aimed solely to sow unnecessary intrigue, at the expense of innocent people’s livelihood.”
“The LOL family has strongly survived more than a year on-air, despite the pandemic. The show has a lot of exciting things to offer in the coming months. I would like to reassure the public that LOL stays committed in giving fun, laughter and prizes to every household,” dagdag pa.
Ibinahagi naman ng dating Kapamilya host at nagsisilbing main host nito na si Billy Crawford ang opisyal na pahayag ng LOL management sa kaniyang Instagram para daw sa mga 'Marites'.
Nagsimula ang LOL noong Oktubre 2020. Ang mga host nito ay sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, KC Montero, Wacky Kiray, Macoy Dubs, Jeff Tam, at Laboching.