Isang certified 'Kakampink' ang super sikat at tinaguriang 'Dyosa' na si 'It's Showtime' host Anne Curtis-Heussaff matapos niyang ibahagi sa kaniyang Twitter account ang litrato ng campaign rally ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Iloilo, na ginanap nitong Pebrero 26, 2022.

Ang simpleng caption ni Anne sa kaniyang tweet ay 'WOW' bilang paglalarawan sa pagdagsa ng mga VP Leni supporters sa naging campaign rally sa Iloilo. Sa gitna ng salitang wow ay may simbolo ng pink na rosas.

Screengrab mula sa Twitter/Anne Curtis

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen:

"Alam ko medyo malabo dahil takot pa si Anne maglalabas labas, kahit sa Showtime parati napo-postpone ang kanyang pagbabalik. Pero walang imposible, sana mangyayari 'to. Sana mas maraming artista ang titindig at tatayo para kay VP Leni."

"‘Yun ang sinasabi ko! Kailangan daw po ng next performer. Baka naman, Miss Anne? Hahahahaha!"

"I'm wondering if Anne has officially endorsed VP Leni for President; if not, please @annecurtissmith, endorse @lenirobredo for the highest office in the land. ☺️??#ILOILOisPink."

"Hello ma'm @annecurtissmith, sana for once, mag-volunteer kayo for a change. Alam namin, election season ay season for racket/endorsement for pay. Sana this time, gawin mo to for free. Kasi ang playing field this time is not level."

"Inyo na ang panga, sa amin ang dyosa."

Kung may mga pumuri ay may mga bumatikos din kay Anne. Inihambing pa siya sa isa sa mga biggest stars din ng ABS-CBN na si Toni Gonzaga, na ang ineendorso naman ay ang UniTeam na pinangungunahan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte. Sa kasalukuyan ay muli na namang nasa trending list si Toni sa Twitter.

"Sa sobrang daming artists na sumusporta kay Ma'am Leni, Kakampinks never stop whining about Toni Gonzaga. Eh may Anne Curtis naman kayo eh, ano pang kinukuda ninyo diyan?"

"Why do people need to cancel Toni Gonzaga if she has the right to choose her President? It's her freedom! It's her choice! I am for Leni but I don't want cancelling others. Wake up people, it's already 2022!"

"Si Toni humble lang 'yan, hindi nagsasabi ng 'I can buy you, your friends, this bar…' oopppsss!"

"Toni Gonzaga sapat na. We don't need a lot of celebrities in our proclamation rallies. Hindi naman tayo nagpapa-free concert eh, mga kandidato ang dapat pinapakinggan natin di ba?"

"Musta nga pala yong cancel culture n'yo kay Toni Gonzaga?? Balita ko ang daming naghahanap ng Kakampwet at parang nami-miss siya… Missed n'yo na ba ang dati n'yong idolo na di nyo naging Kakampwet?? Tapos kinukompara n'yo pa kay Anne Curtis?? What a BIG JOKE…"

"Pinapasikat n'yo na naman si Toni Gonzaga. Dami-dami n'yo supporters na artista. Threatened kayo masyado."

Samantala, nagpatikim na si Anne para sa muli niyang pagbabalik sa limelight matapos ang kaniyang pansamantalang hiatus matapos manganak at dahil na rin sa pandemya.