Wala pa ring sinusuportahang presidential candidate si Pangulong Duterte para sa botohan sa Mayo, ito’y kahit running mate ng anak na si Vice Presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Bongbong Marcos.

“Until now I am yet to decide whether or not to support a candidate. At this time, nobody’s in my mind,” sabi ng Pangulo sa Cabinet Report Special kasama ni Presidential Communications Operations Office(PCOO) Secretary Martin Andanar.

Nilinaw ng Pangulo ang kanyang posisyon na maging “neutral” sa kabila ng pagiging running mate ng anak na si Sara ang frontrunner sa mga presidential survey na si BBM.

"I have talked to my daughter Inday only once since months ago,” pagbabahagi ng Pangulo.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Just like when I was mayor [in Davao] ta’s siya na ang pinakiusapan ko, kasi abogado. It was really the primary reason who can handle the affairs of the city. ‘Di na kami nag-usap. Basta nasabi ko na ikaw ang patakbuhin ko,” pagbabalik-tanaw niya sa desisyon nitong palitan ng anak ang kanyang puwesto sa Davao noong siya’y tumakbo sa pagkapangulo noong 2016.

Gayunpaman, hindi napag-uusapan ng mag-ama ang kasalukuyang politika.

“We do not talk about politics except for once pero ayaw ko na lang i-discuss kasi hindi maganda. It was between father and daughter,"ani Duterte.

"It was a conversation about politics pero sa amin na yun, lessons learned along the way. Hanggang ngayon, wala akong masabi sa bagay na yan,"dagdag ng Pangulo.

Nauna na ring sinabi ng Pangulo sa nakaraang “Talk to the People” na saka lang ito mag-i-endorso "unless there is a compelling reason for me to change my mind.”

Tila non-negotiable naman para sa Pangulo ang mga presidential candidates na bukas pa sa peace talks kasama Communist Party of the Philippines (CPP).

"I don't think the military will be happy about it and also the police. Because we have suffered deaths, patay. Marami na for fighting a cause that reel to nothing to [the] relevance of ideology,"sabi noon ng Pangulo.

Samantala, umaasa man ng pag-endorso si Sara para kay Marcos, ginagalang naman umano nito ang pasya ng ama na sa huli'y nagsisilbi pa ring kasalukuyang Pangulo ng bansa.